Mahirap Maging Mahirap

Dugong Ponebre

Pagmulat ng mata katulad ng dati

paggising sa umaga iinom ng kape

maswerte kung may pandesal sa tabi

kung may almusal man pagsasaluhan ng marami.

anim na anak sa hirap nagtitiis

paglalaba ang trabaho ng asawang buntis

eto namang ama, mason sa construction

mahina na pero kailangan pang umaksyon.

may iba namang mga anak na di mapakinabangan

bukod sa tamad kulang ang pinagaralan

di nakapagtapos dahil sa pera ay kapos

pagod at panahon sa barkada inuubos

walang kusa na para bang ayaw tumulong

sa kanilang pamilya na sa utang ay baon

beinte-sinko anyos na kay ama pa umaasa

ang masakit doon may kasa ma pang asawa.



koro:

mahirap maging mahirap

ulap na sa akin ang makatikim ng masarap na pagkain

hindi alam ang gagawin/palaging bitin

magkatrabaho man kulang pa rin.

(ulitin)



kayod ng kayod hapong hapo sa pagod

trabahong kalabaw para sa konting sahod

gumagawa maghapon for the minimum wage

gagawin ang lahat just to get paid.

meron namang ibang nawawalan na ng pag-asa

ang kahirapan parang di na makakaya

may napipilitang kumapit sa patalim

gagawa ng masama para lang makakain!

natutong mang-holdap tumambay sa kanto

malakas naman ang katawan ba't di magtrabaho?

ayun, ginagawang dahilan ang kahirapan

pero talagang hindi nya maintindihan

na ang buhay sa mundo ay hindi basta-basta

na pag hindi ka kumilos wala kang mapapala

gutom ang aabutin mo dilat ang yong mata

magwawakas ang buhay mong may bakas na luha.



(ulitin ang koro)