Ikaw lang, mahal; laman ng tula
Tunog ng gitara′t himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawalaHiwaga mong dala
Ikaw aking musika
Kung dumating ang araw na 'di na maalala
Ng iyong mata ang aking mukha
Mahal, ′wag kang mag-alala, tanda naman ng puso
Ang itsura ng naging pagsinta
Kung oras ay nababalik lang sana
Ay babalik no'ng una kang nakita
Muli kang liligawan nang muli kong maranasan
Ang umibig sa anghel sa lupa
Ikaw lang, mahal; laman ng tula
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala
Ikaw aking musika
Kung utak ay hindi na kayang gumawa ng melodiya
Para pisngi mo′y pumula
Memorya ko man ay wala, nakatatak na
Sa tadhanang minsan sa ′yo'y namangha
Kung oras ay nababalik lang sana
Ay babalik no′ng una kang nakita
At aking iuulat sa iyong umabot nang walang-hanggan
Ang 'storya nating dal′wa
Ikaw lang, mahal; laman ng tula
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala
Ikaw aking musika
Ikaw lang, mahal; laman ng tula
Tunog ng gitara′t himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala
Ako ang 'yong musika