Uhaw (Tayong Lahat)

Dilaw

Sabik nang mahalikan
Mayakap ka′t masayaw sa ulan
Ang mundo'y gagaanMundo ko′y gagaan

Maligaw man ng landas ay
Hahanapin ang kalsada
Patungo sa 'yo
Ikaw ang daan

Dumilim man ang paligid
Ay ikaw pa rin ang ilaw ko
Oh, oh, oh, oh, oh
Oh, oh, oh, oh, oh

Bakit uhaw sa 'yong sayaw?
Bakit ikaw?
′Di bibitaw, sa ′yong sa 'yo
Laging ikaw
Ako′y giniginaw, halika rito
Dito ka lang sa tabi ko
Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw

Hindi na mapakali
Puso'y nagmamadaling
Lambingin at suyuin ka
Oh, aking giliw, ako′y iyo

Kahit pa matalisod, mapagod
At bumigay ang tuhod
'Di ako hihinto
Ikaw aking dulo

Mawala man ang anino ko
Nandito ka, oh, ilaw ko
Oh, oh, oh, oh, oh
Oh, oh, oh, oh, oh

Bakit uhaw sa ′yong sayaw?
Bakit ikaw? (Bakit ikaw?)
'Di bibitaw, sa 'yong sa ′yo
Laging ikaw
Ako′y giniginaw, halika rito
Dito ka lang sa tabi ko
Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw

Nauuhaw, naliligaw, nanliligaw, humihiyaw
Nalulunod sa kada taludtod ng pagkatao mo
Nakakatulalang tula, bawat bigkas ng labi mo
Nauuhaw, sumisigaw

Bakit uhaw sa 'yong sayaw?
Bakit ikaw?
′Di bibitaw, sa 'yong sa ′yo
Laging ikaw
Ako'y giniginaw, halika rito
Dito ka lang sa tabi ko
Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw