Beer

David La Sol

Nais kong magpakalasing
Dahil wala ka na
Nakatingin sa salaminAt nag-iisa

Nakatanim pa rin ang gumamelang binalik mo sa ′kin
Nang tayo'y maghiwalay
Ito′y katulad ng damdamin ko kahit buhusan mo ng beer
Ayaw pang mamatay

Giliw, 'wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana maglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala no′ng iniwan mo ′ko
Kaya ngayon

Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak, anong sarap
Ano ba talaga'ng mas gusto ko?
Ang beer na ′to o ang pag-ibig mo?

Nais kong magpakasabog
Dahil olats ako
Kahit ano, hihithitin
Kahit tambutso

Kukuha ako ng beer, at ipapakulo sa kaldero't
Lalanghapin ang usok nito
Lahat ay aking gagawin upang hindi ko na isiping
Nag-iisa na ako-oh

Giliw, ′wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana maglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala no′ng iniwan mo ako
Kaya ngayon

Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
Upang malunod na ang puso kong nahihirapan
Bawat patak, anong sarap
Ano ba talaga'ng mas gusto ko?

Ang beer na 'to, ang beer na ′to?
Ang beer na ′to o ang pag-ibig mo?

Daftar lirik lagu David La Sol