Araw

Ben , Ben

Umaga na sa ating duyan
′Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyanMagmamahal, oh, mahiwaga

Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso?

Kay tagal ko nang nag-iisa
And'yan ka lang pala

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa ′yo'y malinaw

Higit pa sa ligaya
Hatid sa damdamin
Lahat naunawaan
Sa lalim ng tingin

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo′y malinaw

Sa minsang pagbali ng hangin
Hinila patungo sa akin
Tanging ika′y iibiging wagas at buo

Payapa sa yakap ng iyong hiwaga
Payapa sa yakap ng iyong...

Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo′y malinaw

Mahiwaga
'Wag nang mawala araw-araw
Mahiwaga
Pipiliin ka araw-araw