Sa larangan, lansangan, madami kang madadaanan
Dapat diretso ang tingin, ′wag kakaliwa't kanan
Ni hindi makapaniwala sa tangi mong kagandahanNang una kang makita, muntik na ′kong mabulunan
Iminulat ang aking matang sa dilim 'di nakakakita
Ilusyon lamang pala na ikaw ay makakasama
Mag-ingat sa paligid, baka ikaw na ang makarma
Sa mundong walang tumataas, lahat bumababa na
Ang lubid, gumapos, ikaw lang ang tatapos
Isantabi upua't sa buhay makakaraos
Nasayang na lamang, walang paa-paalam
Tinulak ng sariling kamaliang naranasan
Iniwan ang nakaraan na parang panaginip lang
Nilisan ang mga problema′t sarili′y pinakinggan
Hindi naging hadlang mga balakid na nasa daan
Handang magpursigi hanggang malaman ang katotohanan
Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa 'king mata
Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa ′king mata
Sa buhay, kung may problema (Bahala ka na d'yan)
Iniisip bawat dilemma (Kalimutan mo na ′yan)
'Wag magpakain sa mga sari-sarili na problema
Kalimutan at ating sundin mga tulong ni mama
Palagian ang pag-ngiti kahit ′di na masaya
Si Kupido, mapaglaro at pinana ko sa kan'ya
At ang aking tanging dalangin ay sana sumakan'ya
Mga dalangin ko na sana ikaw ay mapasaya
Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa ′king mata
Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa ′king mata
Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa 'king mata
Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa ′king mata
Ang daming manloloko sa paligid, sa daan
Hinay-hinay lang at baka puso mo'y paglaruan
Ang daming manloloko sa paligid, sa daan
Hinay-hinay lang at baka puso mo′y paglaruan
Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa 'king mata
Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa ′king mata
Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa 'king mata
Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga sa 'king mata