Pagsamo

Arthur Nery

Oh, no, no, no, no, no, no

Kung bibitaw nang mahinahon, ako ba′y lulubayan ng atingMga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing?
Mga pangako ba′y sapat na upang muli tayong
Ipagtagpo ng hinaharap?

Ba't pa ipapaalala?
'Di rin naman panghahawakan
Ba′t pa ipipilit
Kung ′di naman (kung 'di naman) tayo ang

Para sa isa′t isa?
'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon
Para sa isa′t isa? Oh, whoa
Ba't ′di sumang-ayon sa atin ang panahon?

Siguro nga'y wala nang natira sa mga sinulat mo na para sa 'kin
Alam kong luha ang bumubura ngunit hayaan mo na lang
Walang saysay ang panalangin ko kung ′di ako ang hahanapin mo
Kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa ′yo, bakit 'di mo dama ′to?

Ba't pa ipapaalala?
′Di rin naman panghahawakan
Ba't pa ipipilit
Kung ′di naman (kung 'di naman) tayo ang

Para sa isa't isa?
′Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon
Para sa isa′t isa? Oh, whoa
Ba't ′di sumang-ayon sa atin ang panahon?

Para sa isa't isa (sa isa′t isa)
'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon (tayo, tayo)
Para sa isa′t isa? Oh, whoa
Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?