Sana'y Bigyan Mo Ng Pansin

J Brothers

Hanggang kailan magtitiis
Ang puso kong nagnanais
Na kahit minsa′y madinigAng daing ng pag-ibig

O kay tagal nagdurusa
Hanggang ngayo'y umaasa
Baka sakaling mahalin
Magbago ang iyong damdamin

Araw gabi′y naghihintay
Baka sakaling dumaan
Lumingon ka sa aki't kumaway
At ngumiti man lang minsan

Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin

Pag ′di kita nakikita
Ang oras ay kay bagal
Pag nandyan ka na sa aking tabi
O kay bilis ng sandali

Sana′y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin

Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin