Basta't Kasama Kita

Dingdong Avanzado

Sa tuwing tayo'y magkakalayo

Hindi matahimik ang puso ko

Bawat sandali hanap kita

Di mapakali hanggang muling kapiling ka

Dahil kung ika'y makita lang

Labis labis ang tuwang nadarama

Magisnan lamang ang kislap ng yong mata

Kahit ano pa ay kakayanin ko na



Basta't kasama kita lahat magagawa

Lahat ay maiaalay sa'yo

Basta't kasama kita walang kailangan pa

Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita



Giliw, sana ay ikaw na nga

Ang syang mananatiling kasama ko

Dahil kung ika'y mawawala

Pati lahat sa buhay ko'y maglalaho



Kapag kasama kita lahat magagawa

Lahat ay maiaalay sa'yo

Basta't kasama kita walang kailangan pa

Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita



Basta't kasama kita lahat magagawa

Lahat ay maiaalay sa'yo

Basta't kasama kita walang kailangan pa

Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita



Walang kailangan pa

Wala nang hahanapin pa basta't kasama kita