Oo

Up Dharma Down

′Di mo lang alam, naiisip kita
Baka sakali lang, maisip mo ako
'Di mo lang alam, hanggang sa gabiInaasam makita kang muli

Nagtapos ang lahat sa ′di inaasahang panahon
At ngayon, ako'y iyong iniwang
Luhaan, sugatan, 'di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang kung ′di mo lang alam
Sana′y nagtanong ka lang kung 'di mo lang alam

Ako′y 'yong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam, kay tagal na panahon
Ako′y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa 'yo

Lumipas mga araw na ubod ng saya
′Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako'y nagkasala, patawad na sana
Ang puso kong pagal, ngayon lang nagmahal

Oh-whoa-oh-oh, 'di mo lang alam, ako′y ′yong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang, sana′y ako naman
'Di mo lang alam, ika′y minamasdan
Sana'y ′yong mamalayan, hindi mo lang pala alam
'Di mo lang alam

Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik lahat sa t′wing nagkukulitan
Baka sakali lang, maisip mo naman
Ako′y nandito lang, hindi mo lang alam, matalino ka naman

Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
Sa laro na ito ay dapat bang sumuko?
Sana hindi ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang, ako'y ′yong masasaktan nang ganito
Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko

′Di mo lang alam, ako'y ′yong nasaktan
O baka sakali lang, maisip mo naman
Puro s'ya na lang, sana'y ako naman
′Di mo lang alam, ika′y minamasdan
Sana'y ′yong mamalayan, hindi mo lang pala alam, oh-whoa, oh

Malas mo, ikaw ang natipuhan ko
'Di mo lang alam, ako′y 'yong nasaktan

Daftar lirik lagu Up Dharma Down

Oo