Pajama Party

1096Gang , Guddhist, youngwise, Polo Pi, Ghetto Gecko , Luci J

(Yo) Yo, yo, yo
Yeah, uhmm (sound check, one, two)
Mic check, mic check (yeah, ha-ha)Gumagana ba ′to, gumagana ba 'tong mic, Mel? (Oo, gumagana)
1096 (1096 gang)
Ooh-ooh (ako muna)
Ikaw na? Sige
Ako talaga, ako talaga? (Oo nga)

Yeah, pagpasok ng tunog, tenga ko nilabasan
Goodshit si Gecko, halatang nasarapan
Tapos tignan mo si Dan, fasting, parang Ramadan
Damo ′yan? Pare, 'di na 'ko n′yan tinatalaban
Ginagawa ko lang ′yung mga gusto nila na gawin
'Di ako pasaway kaya ′wag n'yo ′ko sawayin
Subukan mong tanungin 'yung mga nasa likod
Kung pamilyar ba sila sa pangalang kuya Gudd

"Kuya Gudd, puwede ba ako sa ′yo rumekta?"
Ang sabi no'ng kaibigan ng kaibigan ko na hustla'
Hindi ′to basta-basta, mahirap maabot
Mahirap makakolabo sa pera si kuya Gudd
Ayokong sapilitan, gusto ko ′yung natural
'Pag ako nakulitan, gusto ko nang manakal
Biro lang pero walang sinisino aming gang
1096, Mandaluyong, bayan ng mga buang

Polo Pi, pakisabihan nga si tropang Luci
J, i-roll mo na ′yan na agayat na broccoli
Basic, parang ollie, iprito mo na 'yan
Paborito na tsubibo sa hapag ng kainan, lumpia

Oy, sino na next? Tapos na si kulot, oh (sige, ako na nga)

Dami na ngang umaangal, sobrang ingay na daw natin
′Yung kalabog ng tugtog, ni hindi nga daw sa 'tin
Aayusin na lang natin ′ga't hindi pa alanganin
Ang gaan na sa loob, bigat pa ng pasanin
Nakarolyo, pabagain, paikot sabay sa hangin
Sirkulo layo sa oblo, malaya sa hangarin
Ang dating parang praning, kakaumaling
Pagkita, pagtingin sa malagkit na tanim (ano, ano?)

Goodstop, nasa woods na mala-woodstack
Nakasabit lang sa hammock at padukat-dukat
Naka-acid, isang blott at kurastobakot plant
Pero lahat ng 'yun, joke lang, kaya nga, it′s a prank

Ah, it′s a prank, men? (Sige, one...)
Sige, one, two, one, two, one, two, ha-ha
Okay, one, two, three, go! It's a prank!

Ang baduy, kung kayo lang, ′wag na, uy (uy, uy)
Sa mainit na kahoy, usok nilalangoy
Wala nang panaghoy, tila walang kauri
Bago magturo, linisin muna ang daliri
Para 'di nga magsisi, ′wag basta mawiwili
Ga-ga, galingan mo na lang sa desisyong pinipili
'Wag mawala sa sarili ang tatandaan
Dadaanan mo lang ′yan, 'wag mo tambayan, ano ba 'yan?

(Okay na ′yun, okay na ′yun) ano ba 'yun, Youngwise?
Wala naman ′yun, eh, eto, pakinggan mo 'ko

Sakto, sakit ng ulo
Wala naman masyadong ginawa, tambay lang sa kanto
Kaya naman nandito, napasama pa ′ko
Sa mga talentadong tao pero gago
'Wag ka lang masyado, inaaning mo na ′ko
'Tagay na 'yung fruit juice, hawak ko sa baso
Malunggay nasa apip, pakiabot nga dito
Sa panahon ngayon, puro tangkay na lang ′yung piso

Asim, walang ligo, live ka pa sa Bigo
Dami mong sinulat, walang labas na bago?
Sa sobra kong payat, hinahabol na ′ko ng aso
Ingat sa pag-abot, baka ako d'yan ay mapaso (ouch)
Kaso lalo pa akong ginaganahan
Talento ko ngayon ay akin pang pinagkitaan
Wais lang kasi kapag puso ang pinairal
Dapat balanse ka sa tinatahak na daanan
Dami nang makitid, ano ba ′yan?

Ang lakas ng tama mo, Polo Pi

Kita mo lumalaganap, enerhiya ko sa game, yeah
Bagong katauhan, bagong roll at bagong name, yeah
Dati kong sariling 'di mahanap, ′di ma-trace
Nahagilap ko sa ulap at ine-enjoy 'yung taste, hmm
Nasa lugar na ′di makikita sa Waze
Nagbe-blaze with 'di pangkaraniwang face (whoa)
Naka-face mask on, just in case, yeah
Bawal magkakaso kasi mayro'n pa ′kong case, yeah

Lumilipad parang si Aladdin
Nakaupo, inaasar sila, inaaning
Takot sila kapag mayro′ng biglang bumabahing
'Di makalabas kasi kulong pa rin sa quarantine, hmm
Nasa′n na ba 'ko? Kakagising ko lang
Pagkagising ko, ′yung stash ko, nagkulang-kulang
Dito ko 'yun nilagay, ah, ipinatong ko lang
Sasamahan pa kita, p′re, kung sinabi mo lang

At sa ilalim, sinag ng bilog na buwan
Naglalaro kami habang natutulog ka lang
Pakiramdam ko ay parang nalulunod sa dam
Mahiyain kaya 'wag mo sa 'kin ′tutok ′yung cam

Do'n mo ′yan, do'n mo ′yan
Kuya Mel, pakipatay nga no'ng beat
Oy, wait lang, ako pa, ako pa (sino?)

May pagpupulong na naman, bagong papakinggan
Eto at nag-aayos ako ng kagamitan
Tapos punta kila Gudd, ′onting lakad lang naman
Nakasabay pa si Polo sa 'king nadaanan
Mamaya-maya n'yan, lalabas na ang kulit
Mamaga-maga pa, mata ko na kay singkit
Nilalaro lang namin ′yung hadlang kung makulit
Tanong mo sa bumilib at kung sino′ng malupit

1096, siksikan ng sustansiya ang dala
Parang luto lang ni Gudds, senti and food
1096, alam mo na kapag naririnig mo 'to
Nasa kabilang banda kami ng hinahanap mo
Pam-param-pam-pam, pam-param-param-pam
Sumabay lang sa bayo, sarap sa pakiramdam
Pam-param-pam-pam, pam-param-param-pam
Nagawa namin ito habang bilog din ang buwan, mga buang

Ikaw nga ′yun, eh ('yon, ′yon, 'yon)
Uy, tapos na kayo? (Tapos na)
Salamat, ′tol (mahina ka, eh)
Sorry, man, sorry, man, sorry (sorry po)
Lakas n'yo (love you, man)
Tara, tara, tara (yeah, yeah)
Tara, alis na tayo dito (alis na tayo dito)
Skrt, ha-ha