Narito Ako

Regine Velasquez

Narito ako umiibig
Laging tulala at ligalig
Heto na naman at halos ′di mapakaliSa damdamin na pinakamimithi

Narito ako na lagi na'ng nakatingin
Sa mga ulap at bituin

Narito ako umaawit
Ng mga kundimang kay tamis
Napakataas lumilipad itong isip
Kalayaan ko laging inaawit

Narito ako na lagi na′ng nakatingin
Sa mga ulap at bituin
Puso't isip ko ay iisa ang hiwatig
Narito akong umiibig

May kutob na akong pumipintig
Heto na sa wakas ang pag-ibig

Narito ako na lagi na'ng nakatingin
Sa mga ulap at bituin
Puso′t isip ko ay iisa ang hiwatig
Narito akong umiibig