Magsimula Ka

Leo Valdez

Magsimula ka, batiin ang kay gandang umaga
Nang may ngiti sa ′yong mga mata
Sa pagkakaidlip, gumising na (gumising na)Ang buhay ay masaya, palalagpasin mo ba?

Magsimula ka, tuparin ang pangarap mong tunay
Habang ang lakas, iyo pang taglay
Sa paghihintay, baka masanay (baka masanay)
Sayang naman ang buhay, mawawalan ng saysay

Iisa lang ang buhay mo, kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo, mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo (makamit mo)
Magsikap ka, simulan mo (simulan mo)

Magsimula ka, pilitin ang tuklasin ang hanap
Magdanas man ng maraming hirap
Ang mithiin mo, ′pag naging ganap
Langit ng pagsisikap, iyo nang malalasap

Iisa lang ang buhay mo, kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo, mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo (makamit mo)
Magsikap ka, simulan mo (simulan mo)

Iisa lang ang buhay mo, kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo, mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo (makamit mo)
Magsikap ka, simulan mo, oh

Upang ito′y makamit mo (makamit mo)
Magsikap ka (magsikap ka)
Simulan mo (simulan mo)

Daftar lirik lagu Leo Valdez