Nakilala

Freestyle

Kay tagal ko nang hinahanap

Ang tunay na galak

Sa buhay na ang lahat ay di sapat

Di makapagpasalamat

Ang lahat ng dapat kong gawin

Parang ang hirap sundin

Pilit kong ituon ang pansin

Sa mga bagay na kay ganda sa paningin

Ngunit nang mapasa-akin

Tila walang ibig sabihin



CHORUS

Nang Ika'y aking nakilala

Nawala ang lahat ng mga problema

Kay gaan ng aking nadarama

Pagkat kasama Kita



Hangad ko lang naman na malaman ang sagot

Sa problemang pinasok

Ngunit ako'y takot

Na harapin ang pagsubok

Oh di ko malaman, di ko maintindihan

Kung ano bang pinagmulan

Nais ko lang makamtan

Ang ganap na kasiyahan…



(REPEAT CHORUS)

Magmula nang Ika'y aking nakilala

Nawala ang lahat ng mga problema

Kay gaan ng aking nadarama

Pagkat kasama Kita



BRIDGE

O kay sarap nang mabuhay

Dahil sa Iyo'y nagkaroon ng kulay

Dulot Mo'y pagibig na tunay

At walang hangganang buhay



CODA

Sa Iyo ko lang nakita, tanging Ikaw wala nang iba

Sa Iyo ako'y may buhay, punong puno ng kulay...



(REPEAT CHORUS TILL FADE)