Magasin

Eraserheads

'Kita kita sa isang magasin

Dilaw ang 'yong suot at buhok mo'y green

Isang tindahan sa may Baclaran

Napatingin, natulala sa 'yong kagandahan



Naaalala mo pa ba no'ng tayo pang dalawa

Di ko inakalang sisikat ka

Tinawanan pa kita, tinawag mo kong walanghiya

Eh medyo pangit ka pa noon ngunit ngayon



Hey! Iba na ang 'yong ngiti

Iba na ang 'yong tingin

Nagbago na'ng lahat sa 'yo

Sana'y hindi nakita

Sana'y walang problema

Pagkat kulang ang dala kong pera

Na pambili ooh hooo

Pambili sa mukha mong maganda



Siguro ay may kotse ka na ngayon

Rumarampa sa entablado, damit mo'y gawa ni Sotto

Siguro'y malapit ka na ring sumali

Sa super model of the whole wide universe



Kasi! Iba na ang 'yong ngiti

Iba na ang 'yong tingin

Nagbago na'ng lahat sa 'yo

Sana'y hindi nakita

Sana'y walang problema

Pagkat kulang ang dala kong pera



Nakita kita sa isang magasin

At sa sobrang gulat, 'di ko napansin

Bastos pala ang pamagat, dali-daliang binuklat

At ako'y namulat sa hubad na katotohonan



Hey! Iba na ang 'yong ngiti

Iba na ang 'yong tingin

Nagbago na'ng lahat sa 'yo

Sana'y hindi nakita

Sana'y walang problema

Pagkat kulang ang dala kong pera



Yeah! Iba na ang 'yong ngiti

Iba na ang 'yong tingin

Nagbago na'ng lahat sa 'yo

Sana'y hindi nakita

Sana'y walang problema

Pagkat kulang ang dala kong pera

Na pambili ooh hooo

Pambili sa mukha mong maganda



Nasaan ka na kaya?

Sana ay masaya

Sana sa susunod na isyu ay centerfold ka na ...haa...haa...haah

Wooh...