Malayo

Ace Banzuelo

Sabihin mo sa ′kin kung sa'n ako nagkamali
At bakit pinipilit ko pang ibigay ang lahat
Kahit ako′y 'yong ipinagpalit
Sabihin mo sa 'kin kung mayro′n pang nalalabi
Na pagkakataong muling mayakap ka nang mahigpit
Kahit konting sandali

Naniwala sa sinabi mo
Hinding-hindi magsasawa sa iyo
Na tayo lang hanggang dulo

Oh-oh-oh, aaminin ko
′Di ko kayang malayo sa 'yo
Oh-oh-oh, aaminin ko
′Di ko kayang malayo sa 'yo

Ayoko nang muling mabuhay pa
Kung pati sarili′y niloloko
May dumating pero 'di tulad mo

Dati-rati′y gabi-gabi magkikita
Sa tagpuang iba na ang magkasama
Tinatanggap ko na, na sinungaling ka
Sinungaling ka

Oh-oh-oh, aaminin ko
'Di ko kayang malayo sa 'yo
Oh-oh-oh, aaminin ko
′Di ko kayang malayo sa ′yo

Bakit 'di tayo paborito ng tadhana?
Kahit anong pilit ko pa
Gusto ko lang makabalik sa ′yo
Dahil ayoko na ng ganito
'Di ko kayang malayo sa ′yo

(Oh-oh-oh) marami ka pang hindi sinabi
(Oh-oh-oh) paulit-ulit na lang, lalayo, lalapit
(Oh-oh-oh) nagmistulang multuhan ang pangyayari
Kung ang panalangin ko'y maging sa ′yo
Sana naman, ipinaglaban mo

Oh-oh-oh, aaminin ko
'Di ko kayang malayo sa 'yo
Whoa (malayo sa ′yo)
′Di ko kayang malayo sa 'yo

Gusto ko lang makabalik sa ′yo
Dahil ayoko na ng ganito
'Di ko kayang malayo sa ′yo

Sabihin mo sa 'kin kung sa′n ako nagkamali
At kahit pinipilit ko pang ibigay ang lahat
Hinding-hindi ka ipagpapalit

Daftar lirik lagu Ace Banzuelo